I was so happy when I was handed the Certificate of Completion of Basic Driving from our neighborhood driving school. My husband was equally happy, thinking that teaching me how to drive was out of his hands now. He related to me how once he had a girlfriend whom he taught how to drive, but she was a dingbat (his term) and it was so hard to teach stick shift driving as opposed to driving in automatic transmission. But when you're driving with a stick shift transmission, you're in full control of the car, like you're driving a BMW or a Rolls Royce.
Kaya pagkatapos ng maraming alok ni sweetheart na i drive ko na ang kotse namin , pumayag na rin ako. Sabi ko, drive ko ang kotse papunta lang sa subdivision, sa kaibigan namin. Kampante ako kasi wala na akong tatawiring lane, basta puro right turn lang. Successful naman ang pag start (hindi nag stall, yehey!) at pag atras ko, pati na paglabas ng gate. Sa igsi ng distance mula sa kalye namin hanggang highway minarapat kong 1st gear na lang ang gamitin ko...sa highway na lang ako lilipat sa 2nd gear. Ganyan ako ka duwag, hehehe...Pero ang siste, sinabi ni sweetheart na shift na ako sa 2nd gear maski mga 10 yards na lang sa pagliko sa right. Nagpanic nang konti ang lola nang nasa kanto na......as in nang sinabi ni sweetheart na "stop" dahan dahang clutch at break ang lola kaya dahan dahan ding stop ang car. Ang ulo ng car or 1/4 ng car nakaharang na sa kalye. Inilagay ni sweetheart sa neutral ang gear, sabay labas ng kotse at takbo sa driver's seat, palitan kami ng upuan. Mabuti tumigil ang de pasaherong jeep. Si sweetheart na walang pasensya, mas type pa nyang siya na lang mag drive. Haaaay. Oks, so pasok na kami sa subdivision ng friend nya. Eto na naman si sweetheart, palit na daw kami ulit ng upuan, ako na ulit ang magmamaneho. Oks naman sa akin....pero ang siste, baha sa bandang gitna ng subdivision.
Sabi ni sweetheart, "don't panic, we don't want the car to stall". Eh di sige. Hanggang tuhod ang tubig, pero sige lang. Nasa 2nd gear lang ako. Nakakatakot tingnan ang alon sa kalye at ang parang pader ng tubig sa magkabilang sides. Sumisirit ang tubig da magkabilang sides habang dumadaan kami.
Nung lumampas na kami sa malalim na baha, sabi ni sweetheart, palit na ulit kami ng lugar at kung pwede huwag na kaming lumabas ng kotse dahil nga baha. Ang hirap pala mag palit ng upuan sa loob ng kotse...sikip ha,.... Hyundai Getz ba naman, di ba super cute na kotse yun. Mabuti na lang cute din kami :P
Nakikita nyo ba yung maliit na pula sa gitna ng picchur sa itaas. Yun pa ang kotse naming cute, from the Mt. Samat Cross. Di po ba super cute, grabe.
Kelan kaya ako makakapag drive nang medyo relaxed naman maski sa ganitong daan?
Mga natutuhan:
Siempre bago lumiko ng kalye huwag kalimutang light signal, right of left; at tumigil muna sa kanto bago ga join ng traffic sa kalyeng lilikuan.
Sabi nga ng kapitbahay naming itago na lang natin sa pangalang Doris, na dating nag ga drive (naibenta na kasi ang owner nilang jeep) , "practice lang yan, Ate. Ako nga, habang nanood ng TV, nag pa practice ng paa ko", sabay muestra ng paa nyang kunyari ay tumatapak ng clutch, break at gas. Oo nga naman, as in anything, lahat at nagsisimula sa isip or utak muna.
Hindi ko aambisyunin na turuan kayong mag drive with stick shift sa blog na ito.....baka madisgrasya kayo, sisihin nyo pa ako....
Ganito ang mag drive mg stick shift car:
Bago ang lahat, nais ko pong sabihin na hindi ako expert mag drive. Susubukan ko pong isalin lamang sa tagalog ang nasa site na ito, http://www.dmv.org/how-to-guides/driving-stick.php.
1. Mag practice nang naka off ang kotse
Bago mo paandarin ang kotse o kaya ilagay mo muna sa parking or emergency brake, alamin mo muna ang mga contols ay buttons ng kotse. Subukan ang clutch.
Ito rin ang pagkakataon na subukan mo ang mga shifting ng gears ng kotse mo. Karamihan naman ay nakasulat doon ang guide sa gear, kung L for left o R for Right. makakabuti ring pag aralan mo ang manual ng iyong kotse or sumaggguni samekaniko, internet at mga taong nakakaalam sa donfiguration ng iyong kotse. Subukan mong tapakan ng husto ang clutch na walang bitaw at galawin ang gears, ikot ikutin para malaman mo kung matiagas o malambot ang gear ng kotse, etc.
Kung napag alaman mo na kung paano ang mag first gear, mag practice ka muna, na hindi umaandar ang kotse. Huwag mo munang tapakan ang gas pedal, pero mag kunwari kang ga drive ka na nga ng mabagal o mabilis. Tapakan ulit ang clutch at mag shift sa second gear. Ganun din ang gawin sa pag shift sa third, fourth at fifth gears, depende sa iyong kotse. Kasi may ibang kotse na walang fifth gear.
Subukan mo namang mga down shift, kunyari ay bagalan mo ang takbo. Mag shif ka mula sa fourth, third, second gear.
Kung type mongihanda ang kotse sa paghinto, dalawang bagay ang pwede mong gawin: Tapakan (dahan dahan lagi) ang clutch at i handa na bumalik sa first gear o kaya ilagay ang gear shifter sa neutral position. Mas ok gawin ang gear sa neutral position lalo na't masyadong mabagal ang traffic, para naman mapahinga ang iyong paaa sa katatapak ng clutch at para rin hindi masira agad ang iyong clutch. Kung nais mong umusad ulit, tapakan ang clutch at ilagay ang shifter sa first gear ulit at dahan dahang tapakan ang gas pedal.
Sa pag reverse naman or sa pag atras, kadalasan, depende sa kotse, i press down ang gear shifter, i move sa side then forward at nasa reverse gear ka na. Tingnan ang manual ng iyong kotse para mas maliwanag kung paano ang pag reverse.
2. Drive na tayo sa kalye.
Kapag alam mo na ng mga gears, gas pedal, clutch, sige na, subukan na nating mag maneho ng tunay sa kalye.
Takot ka ba? Iniisp mo ba, "paano kung paakyat ang kalye,panno kung hindi ko mapaatras ang kotse, paano kung pagkatapos kong tumigil sa traffic light, pag andar ko ulit, biglang nag stall ang kotse", etc. Huwag kang matakot, mabilis lang namang i satart ulit ang kotse, at siempre mas mabuting mag practice ka muna sa mga hindi gaanong busy na kalye, or kaya sa parking lot ka muna.
Sa umpisa, mag practice ka muna sa flat areas.
Ikabit ang seat belt bago ang lahat. At siempre, dapat may kasama kang marunong mag maneho. Bago mo paandarin ang kotse, siguraduhin mo muna na nasa neutral ang iyong gear shifter o kaya nakatapak ka sa clutch. Kapag umandar na ang kotse (hindi pa tumatakbo ha), habang nakatapak ka sa clutch, ilagay sa first gear at tumapak ka sa gas pedal. Dahan dahang i release ang clutch at timplahin mo ang tapak sa gas pedal. simepre mas madiin ang tapak mo sa gas pedal, mas mabilis ang takbo ng iyong kotse sa gear na napili mo.
Kapag maingay masyado sa first gear (revving high) habang tumatakbo ang kotse, tapak ka ulit sa clutch all the way at shift ka sa 2nd gear, dahan dahang let up ka sa clutch at mararamdaman mo mas mabilis ang takbo ng kotse mo sa 2nd gear. Tandaan na kung ikaw ay nasa first at reverse gears, ang tamang 'timpla' sa clutch at gear ay mahalaga para hindi mag stall. Sa second at third gears, mabilis na push down lang sa clutch ang kailangan para mag shift gear. Simpre habang nakatapak ka ng husto sa clutch, bitaw ka sa gas pedal.
Kung gusto mong mag shift ng gears, halimbawa gusto mong pabagalin ang takbo, kailangang from four to three, at from three to two, hindi pwedeng biglang from four to two. Kung kailangang huminto ka sa traffic light o ano pa man, hindi kailangang bumalik ka sa first gear, deppress mo lang dahan dahan ang clutch habang back up (dahang dahang angat) ka naman sa gas, o ilagay mo sa neutral gear. Kapag gustong mong umusad ulit, deppress mo ulit ang clutch at start ka ulit sa first gear, habang ga release mo ang clutch, dahan dahang tapak ka ulit sa gas - timplahan lang yan sa bigat ng tapak sa clutch at gas pedal.
2. Huwag mag Panic
Once you are comfortable accelerating and decelerating while you shift the gears of the vehicle, and you can comfortably start in first, put the car in reverse and back up, and stop and go, you are almost ready for the real road.
However, it might be a good idea to intentionally stall the vehicle a few times. This will give you familiarity with the car stalling if the clutch comes up too fast or for another reason. Practice approaching a stop, then stall. Then, keeping the clutch depressed and shifter in first gear or reverse, start the vehicle, slowly disengage the clutch and feed the car fuel, and go.
This exercise will prevent panic when the car does stall, and it will give you practice for quickly starting and getting going. Even the most experienced stick shift drivers stall sometimes, so don't feel as though you cannot drive a manual transmission because of it.
The other challenging clutch maneuver is on hills. Motorists should give each other a little extra space on hills, because stick shift vehicles tend to roll back as the driver engages first gear, particularly on a steep hill. The best way to compensate for this is to give the car a little more gas as you get going. Also let the clutch out a little slower. It is good to rev the engine a little higher when shifting up hill, and these should be quick shifts so the car's momentum is not slowed too much.
Working the clutch and shifting gears will become second nature after you have done it for a while. You may even find yourself enjoying the control and excitement of hitting those gears on the open road!
Find further reading at Wikipedia: Manual Transmission.
Nakita ko ang mga video na ito sa Youtube, at nakap-kalakas ng loob mag drive pagkatapos silang panoorin:
http://www.youtube.com/watch?v=8OSmm7dYFQk
http://www.youtube.com/watch?v=lZi5wMSPwxM
Ok, so magkita kits na lang tayo sa kalye. Ipagdasal nyo na dumami pa ang pasensya ng lolo at wag masindak masyado ang lola. Happy and safe driving!