Nakakalungkot naman. Sumasakit tuloy ang tonsils ko. Translation: The news brought a lump in my throat.
Kasi ba naman nag apply ako ng online job - Adult chatting. Biro mo, meron palang ganung gawain. Nang makita ko yun sa online job openings sinubukan kong mag apply, wala namang mawawala , di ba. Magaling naman akong mambola sa YM or sa MSN Messenger. Tunay po yan, kasi noong nag ta trabaho pa ako noon sa Saudi Arabia at boryong na boryong dahil ni hindi man lang makalabas maski pagkatapos ng trabaho o maski sa day-off ko, naging libangan ko ang mag chat. Alam nyo naman sa Saudi Arabia, hindi pwedeng lumabas kung wala ang asawa mo doon, o hindi ka family status.
Marami akong naging kaibigan sa online chatting. Minsan pa nagustuhan nila mag chat with voice, lalong patok. Una, may mga nagpadala ng damit galing pa sa Canada. Lalo naman akong naging inspirado. Kaya tuloy ang chatting. Ayun, may nagbigay naman ng phone cards na pwede kong gamitin sa pagtawag sa mga anak ko sa ating bansa. May nakilala ring mga malapit lang sa pinag tatrabahuan ko kaya, wow, may nag supply na rin ng pagkain ko. Bongga, di ba.
Kaya nag lakas loob ako na mag apply ng online job - adult chatting, kayang kaya. Eto na, sumulat na yung employer, ilang oras at ilang araw daw ako pwede sa online chatting. Limang oras, limang araw kada linggo, pwede ako at $1 per hour sabi ko. Ay linsyak, type ko lang namang makapag umpisa ng online job. Kapit na sa patalim, di ba. At saka sa application ko, sinabi ko naman na 54 years old na ako, with matching ID picture pa. Pero gusto nyang makita ako, may web cam daw ba ako. Isinangguni ko muna sa aking mahal na asawa.
Sabi naman nya, "if they give you $5 per hour, try it." Aray ko, parang nahiya naman akong magsabing ganun sa prospective employer.
Sabi ko sa asawa ko, "sweetheart, I am 54 years old, do you think people will pay that much to chat and see my tits"? O, di ba, kasi bakit kailangan ang webcam sa adult website kung fez ko lang ang type nilang makita?
"Darling, you have great tits, they're big, people will pay to see them". O, di ba ang bait ng asawa ko, binobola pa ako. Naalala ko tuloy ang Indecent Proposal na sine na pinagbidahan ng kamukha kong si Demi Mooore:
Plot Summary for
Indecent Proposal (1993) More at IMDbPro »
A young couple very much in love are married and have started their respective careers, she as a real estate broker, he as an architect. She finds the perfect spot to build his dream house, and they get loans to finance it. When the recession hits, they stand to lose everything they own, so they go to Vegas to have one shot at winning the money they need. After losing at the tables, they are approached by a millionaire who offers them a million dollars for a night with the wife. Though the couple agrees that this is a way out of their financial dilemma, it threatens to destroy their relationship. (Written by Ed Sutton {esutton@mindspring.com})
Balik sa aking indecent proposal. Sumagot ako sa prospective employer I am sorry I don't have a web cam, my voice should be enough. I don't think it is right for a 54-year-old woman to chat with web cam to an adult website.
Kaya pag gising ko, ayun, application rejected, preferred other applicants ang message ko. Hayyyy.
Wala naman akong hang-up sa adult online chatting, natural (natural nga ba?) lang sa ibang lalaking boryong na boryong
O sige, baka boryong ka na siguro sa mga justifications ko. Para maiba naman tingnan nyo nga ang katawan ko kung approved lang sa inyo na maghubad ako:
Ready na?
O bakit, sabi ko naman sa iyo, 'di ko kayang maghubad eh. Hanggang ganyan na lang ako. Yan si sweetheart sa tabi ko, ang aking
Kayo po, anong say nyo sa ganyang hanapbuhay, kaya mo bang maghubad? Practice ka nang bomoto...nandiyan po sa right side :)