Wednesday, November 4, 2009

Application Rejected: Preferred Other Applicants

Yan po ang bumulaga sa aking inbox pag gising ko ngayong umaga.
Nakakalungkot naman. Sumasakit tuloy ang tonsils ko. Translation: The news brought  a lump in my throat.
Kasi ba naman nag apply ako ng online job - Adult chatting. Biro mo, meron palang ganung gawain. Nang makita ko yun sa online job openings sinubukan  kong mag apply, wala namang mawawala , di ba. Magaling naman akong mambola sa YM or sa MSN Messenger. Tunay po yan, kasi noong nag ta trabaho pa ako noon sa Saudi Arabia at boryong na boryong dahil ni hindi man lang makalabas maski  pagkatapos ng trabaho o maski sa day-off ko, naging libangan ko ang mag chat. Alam nyo naman sa Saudi Arabia, hindi pwedeng lumabas kung wala ang asawa mo doon, o hindi ka family status.
Marami akong naging kaibigan sa online chatting. Minsan pa nagustuhan  nila mag chat with voice, lalong patok. Una, may mga nagpadala ng damit galing pa sa Canada. Lalo naman akong naging inspirado. Kaya tuloy ang chatting. Ayun, may nagbigay naman ng phone cards na pwede kong gamitin sa pagtawag sa mga anak ko sa ating bansa. May nakilala ring mga malapit lang sa pinag tatrabahuan ko kaya, wow, may nag supply na rin ng pagkain ko. Bongga, di ba.
Kaya nag lakas loob ako  na mag apply ng online job - adult chatting, kayang kaya. Eto na, sumulat na yung employer, ilang oras at ilang araw daw ako pwede sa online chatting. Limang oras, limang araw kada linggo, pwede ako at $1 per hour sabi ko. Ay linsyak, type ko lang namang makapag umpisa ng online job. Kapit na sa patalim, di ba. At saka sa application ko, sinabi ko naman na 54 years old na ako, with matching ID picture pa.  Pero gusto nyang makita ako, may web cam daw ba ako. Isinangguni ko muna sa aking mahal na asawa.
Sabi naman nya, "if they give you $5 per hour, try it." Aray ko, parang nahiya naman akong magsabing ganun sa prospective employer.
Sabi ko sa asawa ko, "sweetheart, I am 54 years old, do you think people will pay that much to chat and see my tits"? O, di ba, kasi bakit kailangan ang webcam sa adult website kung fez ko lang ang type nilang makita? 
"Darling, you have great tits, they're big, people will pay to see them". O, di ba ang bait ng asawa ko, binobola pa ako. Naalala ko tuloy ang Indecent Proposal na sine na pinagbidahan ng kamukha kong si Demi Mooore:

Plot Summary for
Indecent Proposal (1993) More at IMDbPro »

A young couple very much in love are married and have started their respective careers, she as a real estate broker, he as an architect. She finds the perfect spot to build his dream house, and they get loans to finance it. When the recession hits, they stand to lose everything they own, so they go to Vegas to have one shot at winning the money they need. After losing at the tables, they are approached by a millionaire who offers them a million dollars for a night with the wife. Though the couple agrees that this is a way out of their financial dilemma, it threatens to destroy their relationship. (Written by Ed Sutton {esutton@mindspring.com})

Balik sa aking indecent proposal. Sumagot ako sa prospective employer  I am sorry I don't have a web cam, my voice should be enough. I don't think it is right for a 54-year-old woman to chat with web cam to an adult website.
Kaya pag gising ko, ayun, application rejected, preferred other applicants ang message ko. Hayyyy.
Wala naman akong hang-up sa adult online chatting, natural (natural nga ba?) lang sa ibang lalaking boryong na boryong at duwag maghanap ng sexual partner sa tunay na buhay na pagparaos online. Hindi lang talaga kaya ng powers ko ang maghubad sa harap ng camera, kasi baka mamaya yung uncle ko o pinsan ko pala ang nagbayad na maging ka chat ko...joke. Baka kasi yung dati kong employer sa Saudi ang maging ka chat ko...joke ulit. Obvious ba na di kaya ng powers ko na maghubad sa harap ng camera. Ang paniwala ko kasi the sexiest part of a human being's body is the brains. Naniniwala ba kayo dito?
O sige, baka boryong ka na siguro sa mga justifications ko. Para maiba naman tingnan nyo nga ang katawan ko kung approved lang sa inyo na maghubad ako:

Ready na?





O bakit, sabi ko naman sa iyo, 'di ko kayang maghubad eh.  Hanggang ganyan na lang ako.  Yan si sweetheart sa tabi ko, ang aking  bugaw asawa.

Kayo po, anong say nyo sa ganyang hanapbuhay, kaya mo bang maghubad?  Practice ka nang bomoto...nandiyan  po sa right side :)

10 comments:

  1. Hi Tita! I'm Mauie, daughter of Marie T. I stumbled upon your site from my mom's facebook page. Anyway, nakakaaliw ka naman magsulat at nakaka-relate ako kahit paano. Online din kasi ang trabaho ko. Pero wala pa akong na-encounter na indecent proposal, hindi sa naiinggit ako ha, hahaha! Maraming pang online jobs diyan. Matagal rin akong nakatambay sa oDesk bago ako nakakuha ng regular online jobs. Ngayon, repeat clients na at outside oDesk na ang transactions para wala nang oDesk fee na nababawas. Add ko blog mo sa blogroll ko ha. :)

    ReplyDelete
  2. Thanks sa palakas loob, Mauie. Mana ka talaga sa mom mo sa pagiging supportive. Sa oDesk nga ako nag apply. Ang nilagay ko main line ko ay Data entry, medyo duwag pa ako sa writing, pero ga apply din ako as a writer/rewriter. Wala pa kasi kong job maski isa man lang.

    Tama ka, let's follow each others blogs ha :)

    ReplyDelete
  3. HAHAHA Kakatawa ka Malu... Dinaig mo pa ang nagdadalaginding....

    Anyways, type ko rin mag-online job... When you finally got one batuhan mo ako ha. Wag lang ang paghuhubad!

    ReplyDelete
  4. Jing, mas may karapatan kang maghubad, laki boobs mo eh.

    ReplyDelete
  5. hi! tnx for joining BNP! ur blog has been posted! u can also vote for ur favorite blogs! d top 5 highest rated will be highlighted n d Hall of Fame ;)

    you can also follow BNP's tweets at http://twitter.com/blogsngpinoy

    ReplyDelete
  6. Cute ng post mo... marami na rin sa ating ganyan ang work dhil sa hirap ng buhay... Followed your blog... visit mine too at www.magkaperaonline.com and www.pinaymomonline.com. Comment nga pala sa tagalog blogs, nagstart ako ng tagalag sa isang blog ko kaya lang mas target ko international e kaya kahit nangangapa sa english, go na lang ako...

    ReplyDelete
  7. you look younger than your real age po. Pramis.

    buti pa kayo nakakapagsuot ng swimsuit ako parang di ko keri. hehe!

    ang higpit pala talaga sa saudi. buti marami pa ring pinoy ang gustong pumunta dun.

    ReplyDelete
  8. Thanks so much Rej. Lakasan lang yan ng loob. Masaya naman sa Saudi if you find good friends. Pero ingat dinkasi yung ibang matagal nang nag wo work dun parang maapektuhan ang utak. Biglang kikilos ng kakaiba, grabe. Siempre kaka homesick pa rin talaga. Pero na mi miss ko mga pagkain dun, at masaya sa Ramadan :)

    ReplyDelete
  9. sexxxxyyyyyyy! :)

    Thank you very much for your recent comment on the unveiling of the upcoming release of my book! :) Thank you for your well-wishes! :)

    And thank you for sharing with me about the bloggers gathering, although, I doubt I will be joining, I am so very busy these days!!!!!

    sweet kisses~

    ReplyDelete
  10. Thanks, C.

    I understand if you're so busy you can't attend the blog summit.

    All the best! Besos too :)

    ReplyDelete

I thrive on comments, thanks for leaving a comment. I will visit your blog as well :)

Related Posts with Thumbnails