Wednesday, November 25, 2009

Malou Rose Kuno

Hindi ako lasing, promise.  Minsan lang yata ako nalasing buong buhay ko - noon yung may ka boardmate ako na ga work sa Holiday Inn.  Oo na, wala na yung Holiday Inn sa Roxas Blvd. ngayon.  Pinalitan na ang pangalan, Tradewinds Hotel na yata ang pangalan ngayon.  Pero lumalayo tayo sa topic. Nalasing ako for the first time kasi inikot namin ang lahat ng bars ng hotel at tumungga ng halos lahat ng klaseng cocktails, o di ba bonggang kalasingan.

Pumunta kami ni Sweetheart sa neyborhood bar, sa tapat lang ng bahay.  Ang friend naming si Bob ay nandoon na.  Siempre, pinagpatuloy na naman namin ang mga usapang pang world peace....."Where is your flavor of the month girl", "May I have a taste of your vodka cranberry cocktail", "Where are you going for your Thanksgiving dinner", at maraming pang iba.  
Dumating pa ang isang suki ng bar na na si Jim, galing Hongkong.  As usual (like 500 thousand times) napagkamalan na naman nya akong isang Haponesa, " Nihon jin desuka," tanong nya.  Sagot ko naman, "Firipin jin desuka".  Ay mali, try ako ulit, Anata wa Firipin jin".  Ay naku, give up na ako, kaya naki pag hi5 na lang ako. Natuwa naman kaya buy daw nya kaming tatlo ni Sweetheart at ni Bob ng round of drinks.  Para daw sa akin, special cocktail,  na alam nyang magugustuhan ko.  Lagi na lang kasing vodka cran ang order ko.  Tinawag ang seksing waitress  para mag order.  Kaso kulang yata ang ingredients kaya dalawang beses na pabalik balik ang waitress sa bartender at kay Jim para mabuo ang bagong cocktail drink gamit ang basic ingredient na Tequila Rose.  
Sa maigsing salita, dumating ang masarap na cocktail drink, at papangalanang Malou Rose, in my honor,  di baga.  
Masarrap, grabe.  Pinaghalong chocolate at strawberry ang flavor at siempre ang pampalasing na Tequila Rose at iba pa.  Nagbigay pa ang bartender ng sample shots  ng Malou Rose sa tatlong gentlemen na kasama ko.  'Too sweet, take it away", sabi ni sweetheart na laging ga count ng calories.
Fast forward.  Uwi na kami ni Sweetheart, at punta muna siya sa palikuran.  Habang nag hihintay, makapag browse nga muna ng FHM.  Biglang nag palpitate ang lola, hindi naman siguro dahil sa katitingin ng pictures ng mga sexy ...... kasi naramdaman ko na yan noon eh.  Somobrang tamis ang timpla ng Screwdriver sa kabilang bar noon, at yun, nag palpitate ang lola.  Kaya kalmado lang ang lola, kaya lang, bakit ako at ang sahig ay naging isa!  ......And the floor and I became one.....
Hindi namin sahig ito, sabi ko sa sarili ko.  Kaya tumayo ako, at sinagot ang tanong ng waitress, "Bakit , Ate?"  Say ko naman, "Nalasing ba ako?"  Ganun nga, answer a question with another question...... Pero bakit naging isa na naman ako at ang sahig?  This is so uncool, sabi ko pa sa sarili ko.  
Katabi ko na si Sweetheart, at napaligiran na kami ng bartender na nag alok ng tubig, ng isang matangkad na mamang customer na gusto akong pangkuin at ihatid sa bahay, at lahat ng mga waitress na usi.  Medyo inis si Sweetheart na pinigil ang gwapong mama na magbubuhat na sa akin, "I will bring my wife home", anya sweetheart ko.
Kinagabhihan ulit, balik ang sweetheart ko sa bar.  Yun, ayaw akong pasamahin sa bar, huhuhu.  Habang may buhay bukol ako sa ulo, hindi daw ako pwedeng sumama sa bar.  Sana hindi ko na lang sinabi na may bukol ako sa ulo, di ba, hindi naman halata eh.  Pero say ni Sweetheart, 5 minutes lang, babalik na sya sa bahay.  Ask lang nya ang bartender ANO ba ang inilagay sa drinks ko!
Habang wala si Sweetheart, ga  Google ko ang cocktail drink na hawig sa ibinigay sa akin.    Ito yung pina ka close eh:

Summer's Strawberry Rose
Ingredients
6 oz. Tequila Rose
1 1/2 oz.
Bacardi White Rum
3/4 cup(s)
Strawberry Mix  
Instructions
Blend with ice until the consistency is smooth and creamy The colour should be a light pink resembling a strawberry milkshake. If not, add additional tequila Rose and/or Strawberry Mix. Serve in a chilled glass with a thick straw. Garnish with fresh strawberries and whipped cream. Note: Strawberry Mix can be substituted with Fresh or Frozen strawberries and sugar syrup.
Pagdating ni Sweetheart, napag alaman ba ga substitute ni bartender ang gin for rhum.  Malaking bagay ba 'yun?  Mukhang light maroon yung drink ko, walang garnishings ng strawberries at whipped cream, pero ang tamis, pare, at ang dami sigurong chocolate syrup kasi lasang Swiss chocolate bar na eh.  
Mga natutuhan:

 1)  Huwag tumungga ng bagong imbentong cocktail drink,  lalo na't ga substitute pa nila ang ibang ingredients. Payag ba kayong maging guinea pig ng bagong inumin?

2)  Dehins ko pala kaya ang sobrang tamis na drinks with alcohol.

3)  Say ni Sweetheart, dapat daw, noong una akong naging one with the floor, hindi ako dapat tumayo agad para maiwasan ang muling pagkatumba.  Tsk, tsk.......Kung hindi naman ako tumayo agad baka binuhat na ako ng gwapong mama, di ba.  Baka magselos naman si Sweetheart, di kaya?    
Kayo, ano ang gagawin nyo? 
P.S.

Magbabagong buhay na rin ako, iwas alcohol na ako. 


Sunday, November 15, 2009

Pakyaw na ni Manny, Idinasal ni Aling Dionisia, at Kung Bakit Kailangan Nating Magdasal

Mabuhay si Manny Pacquiao! Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Pinoy!  Congratulations sa kay Manny Pacquiao, at higit sa lahat sa kanyang butihing ina, si Aling Doinisia.  Mabuhay si Aling Dionisia!

Ok lang talaga sa akin kung pasayawin nyo o pakantahin  ang madir ni Manny, si Aling Dionisia. May K din nman siya.  Kaya nga para kay Manny, oks lang talaga na bigyan si madir ng anim na milyong worth ng diamonds o bagong bahay. Kung si Manny ay champion sa boxing, champion din naman si Aling Dionisia sa pagdarasal para manalo ni Manny. Kung baga, yung konsentrasyon na ginagawa ni Manny sa pagaaral sa kalaban habang nasa ring, ay ganun ding intensity ang dasal ni Aling Dionisia sa kanyang pagtagumpay. Kung si Manny ay boxing champion, si Aling Dionisia naman ay isang matagumpay na prayer warrior.   Kita nyo naman, ni hindi nanonood ng live boxing si Madir, habang nasa ring si Manny, nasa dasalan naman si Madir.

Sinasabi ko lang naman yan dito sa blog ko para i encourage kayong  lahat na magdasal at para iparating din kung gaano ka powerful ang dasal.

Isa pang kabutihan ng pagdadasal ay ang pagkakaroon ko sa wakas ng pagkakakitan. Hindi ko naman ikakayaman pero may darating din naman pera kung ako'y may tyaga.  Alam nyo ba na bago malagyan ng ads itong blogs ko ay naghintay ako ng halos isang taon? Nang sinimulan ko ang blog kong Swimming and Floating, nasa panahon iyon ng matinding pagka boryong. Kasi noon, wala akong ginawa kundi  sumagap ng chismis sa internet. Chismis tungkol sa mga artista at mga pulitikong wala namang pakialam sa akin. Noong hindi ko mabasa ang paborito kong blog ng chismis, akala ko hindi lang ako 'nakakapasok' sa blog nya dahil hindi naman ako myembro ng Blogger. Yun pala na suspend ang kanyang blog dahil sa marami nang taong nagreklamo sa pagiging malupit nya sa pagchismis ng malalaking tao. Ang huli nyang post ay para bagang nagsasabi na hindi pala maganda ang gawain nya na pagtawanan ang mga taong hindi naman nagpapatawa kundi dahil sa unfortunate event tulad ng pagkakaroon ng tinga sa ngipin ay naging subject na ng chismis sa blog nya. Ganun ka babaw ang mga binabasa ko noon, grabe.  Nakakatawa din naman kasing mag bunyag ng kung ano-anong chismak ang blogger na yun.  Sa maiksing salita, kaya ako nag blog ay para lang makasagap ng chismis. Pero nang kalaunan, nainis ako sa aking kapitbahay na pintasera  kaya nag post ako ng sama ng loob ko sa aking blog.  Uy teka wag nyo nang hanapin ang entry na yun kasi na delete ko na.  Wholesome na ako ngayon.

Kaya nga ako nag paka wholesome ay dahil type ko nang ipa monetize ang blogs ko.  Hindi na approved ang una kong application sa Adsense kasi hindi pa supported ng Blogger noon ang Filipino language.  Eh tamad naman akong mag salin sa sa English at lalo ding tamad mag blog regularly kaya , sabi ko sa sarili ko, hayaan mo nga siya, kung ayaw nila di wag.

Pero minsan inaabot ako ng hiya sa kahihingi nga datung sa aking waswit kaya nag isip ako ng mapagkukunan ng salapi maliban sa pag apply na maging mama san. Hindi pa ako mama san, wag kayong mag alala.  Kaya ayun,  sumulat na naman ako sa Adsense para i reconsider ang aking blog.  At yun nga, nagsipag akong mag blog.  Pansinin nyo noong isang buwan, biglang dumami ang entries ko.  Nung buwang ding yun, na approve ang monetization ng blogs ko.  Kaya sinipag din akong mag open ng dalawa pa, Silver Lite at ito ngang binabasa mo ngayon.  Ang gusto ko lang iparating ay nakuha din sa dasal ang lahat.  Nagdasal nga kasi kong sana ay mapatunayan ko naman na hindi lang ako isang trophy wife (biro lang kahit totoo), may utak din naman ako at nakakasulat din kahit paano. And  speaking of that, salamat din sa Diyos at nagkakaroon din naman ako ng Followers kahit papano.  Salamat talaga ha.  Hayaan nyo, ipagdadasal ko rin kayo kay Lord. 

Siempre nag ambisyon din akong magmana sana sa aking anak na binabayaran para mag blog at sumulat.  Sa kadadasal ko naman at sa kasipagan ko ring maghanap ng trabaho online, sa wakas nitong Nov. 9, natanggap akong maging isang blog writer ...at take note may bayad naman.  Hindi naman kalakihan ang sahod ko, pero oks na rin,  considering na hindi na ako kelangan lumabas ng bahay para kumita...at oks lang sa client ko sa kung anong type kong isulat.  Go lang siya palagi.  O di ba, writer/blogger na ang inyong lingkod, at sa wikang English pa.  Nung una akong mag submit ng article sa client, parang test kung baga.  Akalain nya ba namang ang una kong article ay How to Seduce Your Partner.  O ano, akala nyo di ko carry ang subject mattter na yan.  Maski noong virgin pa ako, alam ko nang isulat yan. Pagka submit ko, natuwa naman ang client ko at ayun,  may assignment pa ako ulit  sa kanya.  Ang lahat ng yan, idinaan sa dasal. Nakatulong din na sumulat din naman ako ng article at nag submit, hehehe.

Kaya kung ano man ang inyong pangangailangan, subukan nyong magdasal, alalahanin nyo ang sabi sa Bible, Ask and it shall be given unto you, knock and the door shall be opened unto you.  Tama ba ang pagka banggit ko? 

O sige, magdadasal na ako ulit. Susulat na naman kasi ako eh.

Wednesday, November 4, 2009

Application Rejected: Preferred Other Applicants

Yan po ang bumulaga sa aking inbox pag gising ko ngayong umaga.
Nakakalungkot naman. Sumasakit tuloy ang tonsils ko. Translation: The news brought  a lump in my throat.
Kasi ba naman nag apply ako ng online job - Adult chatting. Biro mo, meron palang ganung gawain. Nang makita ko yun sa online job openings sinubukan  kong mag apply, wala namang mawawala , di ba. Magaling naman akong mambola sa YM or sa MSN Messenger. Tunay po yan, kasi noong nag ta trabaho pa ako noon sa Saudi Arabia at boryong na boryong dahil ni hindi man lang makalabas maski  pagkatapos ng trabaho o maski sa day-off ko, naging libangan ko ang mag chat. Alam nyo naman sa Saudi Arabia, hindi pwedeng lumabas kung wala ang asawa mo doon, o hindi ka family status.
Marami akong naging kaibigan sa online chatting. Minsan pa nagustuhan  nila mag chat with voice, lalong patok. Una, may mga nagpadala ng damit galing pa sa Canada. Lalo naman akong naging inspirado. Kaya tuloy ang chatting. Ayun, may nagbigay naman ng phone cards na pwede kong gamitin sa pagtawag sa mga anak ko sa ating bansa. May nakilala ring mga malapit lang sa pinag tatrabahuan ko kaya, wow, may nag supply na rin ng pagkain ko. Bongga, di ba.
Kaya nag lakas loob ako  na mag apply ng online job - adult chatting, kayang kaya. Eto na, sumulat na yung employer, ilang oras at ilang araw daw ako pwede sa online chatting. Limang oras, limang araw kada linggo, pwede ako at $1 per hour sabi ko. Ay linsyak, type ko lang namang makapag umpisa ng online job. Kapit na sa patalim, di ba. At saka sa application ko, sinabi ko naman na 54 years old na ako, with matching ID picture pa.  Pero gusto nyang makita ako, may web cam daw ba ako. Isinangguni ko muna sa aking mahal na asawa.
Sabi naman nya, "if they give you $5 per hour, try it." Aray ko, parang nahiya naman akong magsabing ganun sa prospective employer.
Sabi ko sa asawa ko, "sweetheart, I am 54 years old, do you think people will pay that much to chat and see my tits"? O, di ba, kasi bakit kailangan ang webcam sa adult website kung fez ko lang ang type nilang makita? 
"Darling, you have great tits, they're big, people will pay to see them". O, di ba ang bait ng asawa ko, binobola pa ako. Naalala ko tuloy ang Indecent Proposal na sine na pinagbidahan ng kamukha kong si Demi Mooore:

Plot Summary for
Indecent Proposal (1993) More at IMDbPro »

A young couple very much in love are married and have started their respective careers, she as a real estate broker, he as an architect. She finds the perfect spot to build his dream house, and they get loans to finance it. When the recession hits, they stand to lose everything they own, so they go to Vegas to have one shot at winning the money they need. After losing at the tables, they are approached by a millionaire who offers them a million dollars for a night with the wife. Though the couple agrees that this is a way out of their financial dilemma, it threatens to destroy their relationship. (Written by Ed Sutton {esutton@mindspring.com})

Balik sa aking indecent proposal. Sumagot ako sa prospective employer  I am sorry I don't have a web cam, my voice should be enough. I don't think it is right for a 54-year-old woman to chat with web cam to an adult website.
Kaya pag gising ko, ayun, application rejected, preferred other applicants ang message ko. Hayyyy.
Wala naman akong hang-up sa adult online chatting, natural (natural nga ba?) lang sa ibang lalaking boryong na boryong at duwag maghanap ng sexual partner sa tunay na buhay na pagparaos online. Hindi lang talaga kaya ng powers ko ang maghubad sa harap ng camera, kasi baka mamaya yung uncle ko o pinsan ko pala ang nagbayad na maging ka chat ko...joke. Baka kasi yung dati kong employer sa Saudi ang maging ka chat ko...joke ulit. Obvious ba na di kaya ng powers ko na maghubad sa harap ng camera. Ang paniwala ko kasi the sexiest part of a human being's body is the brains. Naniniwala ba kayo dito?
O sige, baka boryong ka na siguro sa mga justifications ko. Para maiba naman tingnan nyo nga ang katawan ko kung approved lang sa inyo na maghubad ako:

Ready na?





O bakit, sabi ko naman sa iyo, 'di ko kayang maghubad eh.  Hanggang ganyan na lang ako.  Yan si sweetheart sa tabi ko, ang aking  bugaw asawa.

Kayo po, anong say nyo sa ganyang hanapbuhay, kaya mo bang maghubad?  Practice ka nang bomoto...nandiyan  po sa right side :)

Wednesday, October 21, 2009

Paano Ba Mag Drive

Ngayon ko lang nalaman dito na supported na pala ng Blogger ang Tagalog, pero bakit wala pa akong nababasang Tagalog blogger dito. Kung meron nga, paramdam naman kayo.  Nalulungkot naman akong parang ako lang ang sumusulat ng Tagalog.  Baka sa future magsulat din ako ng Ilonggo. Kung meron dyang nagsusulat ng Tagalog or Taglish, paramdam naman kayo.  Anyway, this  post was in Tagalog, then I started translating it in English.  Napagod ang beauty ko, kaya naglakwatsa muna sa Blogger Buzz at nalaman kong supported na nga ang Filipino language.  So, ga post ko na lang as is,  ha.

I was so happy when I was handed the  Certificate of Completion of  Basic Driving from our neighborhood driving school. My husband was equally happy,  thinking that teaching me how to drive was out of his hands now.  He related to me how once he had a girlfriend whom he taught how to drive, but she was a dingbat (his term) and it was so hard to teach stick shift driving as opposed to driving in  automatic transmission.  But when you're driving with a stick shift transmission, you're in full control of the car, like you're driving a BMW or a Rolls Royce. 

Kaya  pagkatapos ng maraming alok ni sweetheart na i drive ko na ang  kotse namin , pumayag na rin ako. Sabi ko, drive ko ang kotse papunta lang sa subdivision, sa kaibigan namin. Kampante ako kasi wala na akong tatawiring lane, basta puro right turn lang. Successful naman ang pag start (hindi nag stall, yehey!) at pag atras ko, pati na paglabas ng gate. Sa igsi ng distance mula sa kalye namin hanggang highway minarapat kong 1st gear na lang ang gamitin ko...sa highway na lang ako lilipat sa 2nd gear. Ganyan ako ka duwag, hehehe...Pero ang siste, sinabi ni sweetheart na shift na ako sa 2nd gear maski mga 10 yards na lang sa pagliko sa right. Nagpanic nang konti ang lola nang nasa kanto na......as in nang sinabi ni sweetheart na "stop" dahan dahang clutch at break ang lola kaya dahan dahan ding stop ang car. Ang ulo ng car or 1/4 ng car nakaharang na sa kalye. Inilagay ni sweetheart sa neutral ang gear, sabay labas ng kotse at takbo sa driver's seat, palitan kami ng upuan. Mabuti tumigil ang de pasaherong jeep. Si sweetheart na walang pasensya, mas type pa nyang siya na lang mag drive. Haaaay. Oks, so pasok na kami sa subdivision ng friend nya. Eto na naman si sweetheart, palit na daw kami ulit ng upuan, ako na ulit ang magmamaneho. Oks naman sa akin....pero ang siste, baha sa bandang gitna ng subdivision.

Sabi ni sweetheart, "don't panic, we don't want the car to stall". Eh di sige. Hanggang tuhod ang tubig, pero sige lang. Nasa 2nd gear lang ako. Nakakatakot tingnan ang alon sa kalye at ang parang pader ng tubig sa magkabilang sides. Sumisirit ang tubig da magkabilang sides habang dumadaan kami.

Nung lumampas na kami sa malalim na baha, sabi ni sweetheart, palit na ulit kami ng lugar at kung pwede huwag na kaming lumabas ng kotse dahil nga baha. Ang hirap pala mag palit ng upuan sa loob ng kotse...sikip ha,.... Hyundai Getz ba naman, di ba super cute na kotse yun. Mabuti na lang cute din kami :P




Nakikita nyo ba yung maliit na pula sa gitna ng picchur sa itaas.  Yun pa ang kotse naming cute, from the Mt. Samat Cross.  Di po ba super cute, grabe.



Kelan kaya ako makakapag drive nang medyo relaxed naman maski sa ganitong daan?

Mga natutuhan:

Siempre bago lumiko ng kalye huwag kalimutang light signal, right of left; at tumigil muna sa kanto bago ga join ng traffic sa kalyeng lilikuan.

Sabi nga ng kapitbahay naming itago na lang natin sa pangalang Doris, na dating nag ga drive (naibenta na kasi ang owner nilang jeep) , "practice lang yan, Ate. Ako nga, habang nanood ng TV, nag pa practice ng paa ko", sabay muestra ng paa nyang kunyari ay tumatapak ng clutch, break at gas. Oo nga naman, as in anything, lahat at nagsisimula sa isip or utak muna.

Hindi ko aambisyunin na turuan kayong mag drive with stick shift sa blog na ito.....baka madisgrasya kayo, sisihin nyo pa ako....

Ganito ang mag drive mg stick shift car:

Bago ang lahat, nais ko pong sabihin na hindi ako expert mag drive.  Susubukan ko pong isalin lamang sa tagalog ang nasa site na ito, http://www.dmv.org/how-to-guides/driving-stick.php.

1.  Mag practice nang naka off ang kotse
    
Bago mo paandarin ang kotse o kaya ilagay mo muna sa parking or emergency brake, alamin mo muna ang mga contols ay  buttons ng kotse.  Subukan ang clutch. 

Ito rin ang pagkakataon na subukan mo ang mga shifting ng gears ng kotse mo.  Karamihan naman ay nakasulat doon ang guide sa gear, kung L for left o R for  Right.  makakabuti ring pag aralan mo ang manual ng iyong kotse or sumaggguni samekaniko,  internet at mga taong nakakaalam sa donfiguration ng iyong kotse. Subukan mong tapakan ng husto ang clutch na walang bitaw at galawin ang gears, ikot ikutin para malaman mo kung matiagas o malambot ang gear ng kotse, etc. 

Kung napag alaman mo na kung paano ang mag first gear, mag practice ka muna, na hindi umaandar ang kotse.  Huwag mo munang tapakan ang gas pedal, pero mag kunwari kang ga drive ka na nga ng mabagal o mabilis.  Tapakan ulit ang clutch at mag shift sa second gear.  Ganun din ang gawin sa pag shift sa third, fourth at fifth gears, depende sa iyong kotse. Kasi may ibang kotse na walang fifth gear.

Subukan mo namang mga down shift, kunyari ay bagalan mo ang takbo.  Mag shif ka mula sa fourth, third, second gear. 

Kung type mongihanda ang kotse sa paghinto,   dalawang bagay ang pwede mong gawin:  Tapakan (dahan dahan lagi) ang clutch at i handa na bumalik sa first gear o kaya ilagay ang gear shifter sa neutral position.  Mas ok gawin ang gear sa neutral position lalo na't masyadong mabagal ang traffic, para naman mapahinga ang iyong paaa sa katatapak ng clutch at para rin hindi masira agad ang iyong clutch.  Kung nais mong umusad ulit, tapakan ang clutch at ilagay ang shifter sa first gear ulit at dahan dahang tapakan ang gas pedal. 

Sa pag reverse naman or sa pag atras, kadalasan, depende sa kotse, i press down ang gear shifter, i move sa side then forward at nasa reverse gear ka na.  Tingnan ang manual ng iyong kotse para mas maliwanag kung paano ang pag reverse. 

2.  Drive na tayo sa kalye.

Kapag alam mo na ng mga gears, gas pedal, clutch, sige na, subukan na nating mag maneho ng tunay sa kalye. 

Takot ka ba?  Iniisp mo ba, "paano kung paakyat ang kalye,panno kung hindi ko mapaatras ang kotse,   paano kung pagkatapos kong tumigil sa traffic light, pag andar ko ulit, biglang nag stall ang kotse", etc.  Huwag kang matakot, mabilis lang namang i satart ulit ang kotse, at siempre mas mabuting mag practice ka muna sa mga hindi gaanong busy na kalye, or kaya sa parking lot ka muna.





Sa umpisa, mag practice ka muna sa flat areas. 

Ikabit ang seat belt bago ang lahat.  At siempre, dapat may kasama kang marunong mag maneho.  Bago mo paandarin ang kotse, siguraduhin mo muna na nasa neutral ang iyong gear shifter o kaya nakatapak ka sa clutch.  Kapag umandar na ang kotse (hindi pa tumatakbo ha), habang nakatapak ka sa clutch, ilagay sa first gear at tumapak ka sa gas pedal.  Dahan dahang i release ang clutch at timplahin mo ang tapak sa gas pedal.  simepre mas madiin ang tapak mo sa gas pedal, mas mabilis ang takbo ng iyong kotse sa gear na napili mo.

Kapag maingay masyado sa first gear (revving high) habang tumatakbo ang kotse, tapak ka ulit sa clutch all the way at shift ka sa 2nd gear, dahan dahang let up ka sa clutch at mararamdaman mo mas mabilis ang takbo ng kotse mo sa 2nd gear.  Tandaan na kung ikaw ay nasa first at reverse gears, ang tamang 'timpla' sa clutch at gear ay mahalaga para hindi mag stall.  Sa second at third gears, mabilis na push down lang sa clutch ang kailangan para mag shift gear.  Simpre habang nakatapak ka ng husto sa clutch, bitaw ka sa gas pedal.

Kung gusto mong mag shift ng gears, halimbawa gusto mong pabagalin ang takbo, kailangang from four to three, at from three to two, hindi pwedeng biglang from four to two.  Kung kailangang huminto ka sa traffic light o ano pa man, hindi kailangang bumalik ka sa first gear, deppress mo lang dahan dahan ang clutch habang back up (dahang dahang angat) ka  naman sa gas,  o ilagay mo sa neutral gear. Kapag gustong mong umusad ulit, deppress mo ulit ang clutch at start ka ulit sa first gear, habang ga release mo ang clutch, dahan dahang tapak ka ulit sa gas - timplahan lang yan sa bigat ng tapak sa clutch at gas pedal. 

2.  Huwag mag Panic


Once you are comfortable accelerating and decelerating while you shift the gears of the vehicle, and you can comfortably start in first, put the car in reverse and back up, and stop and go, you are almost ready for the real road.
However, it might be a good idea to intentionally stall the vehicle a few times. This will give you familiarity with the car stalling if the clutch comes up too fast or for another reason. Practice approaching a stop, then stall. Then, keeping the clutch depressed and shifter in first gear or reverse, start the vehicle, slowly disengage the clutch and feed the car fuel, and go.
This exercise will prevent panic when the car does stall, and it will give you practice for quickly starting and getting going. Even the most experienced stick shift drivers stall sometimes, so don't feel as though you cannot drive a manual transmission because of it.
The other challenging clutch maneuver is on hills. Motorists should give each other a little extra space on hills, because stick shift vehicles tend to roll back as the driver engages first gear, particularly on a steep hill. The best way to compensate for this is to give the car a little more gas as you get going. Also let the clutch out a little slower. It is good to rev the engine a little higher when shifting up hill, and these should be quick shifts so the car's momentum is not slowed too much.
Working the clutch and shifting gears will become second nature after you have done it for a while. You may even find yourself enjoying the control and excitement of hitting those gears on the open road!
Find further reading at Wikipedia: Manual Transmission.

Nakita ko ang mga video na ito sa Youtube, at nakap-kalakas ng loob mag drive pagkatapos silang panoorin:
http://www.youtube.com/watch?v=8OSmm7dYFQk
http://www.youtube.com/watch?v=lZi5wMSPwxM

Ok, so magkita kits na lang tayo sa kalye. Ipagdasal nyo na dumami pa ang pasensya ng lolo at wag masindak masyado ang lola. Happy and safe driving!

Related Posts with Thumbnails