Sunday, November 15, 2009

Pakyaw na ni Manny, Idinasal ni Aling Dionisia, at Kung Bakit Kailangan Nating Magdasal

Mabuhay si Manny Pacquiao! Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Pinoy!  Congratulations sa kay Manny Pacquiao, at higit sa lahat sa kanyang butihing ina, si Aling Doinisia.  Mabuhay si Aling Dionisia!

Ok lang talaga sa akin kung pasayawin nyo o pakantahin  ang madir ni Manny, si Aling Dionisia. May K din nman siya.  Kaya nga para kay Manny, oks lang talaga na bigyan si madir ng anim na milyong worth ng diamonds o bagong bahay. Kung si Manny ay champion sa boxing, champion din naman si Aling Dionisia sa pagdarasal para manalo ni Manny. Kung baga, yung konsentrasyon na ginagawa ni Manny sa pagaaral sa kalaban habang nasa ring, ay ganun ding intensity ang dasal ni Aling Dionisia sa kanyang pagtagumpay. Kung si Manny ay boxing champion, si Aling Dionisia naman ay isang matagumpay na prayer warrior.   Kita nyo naman, ni hindi nanonood ng live boxing si Madir, habang nasa ring si Manny, nasa dasalan naman si Madir.

Sinasabi ko lang naman yan dito sa blog ko para i encourage kayong  lahat na magdasal at para iparating din kung gaano ka powerful ang dasal.

Isa pang kabutihan ng pagdadasal ay ang pagkakaroon ko sa wakas ng pagkakakitan. Hindi ko naman ikakayaman pero may darating din naman pera kung ako'y may tyaga.  Alam nyo ba na bago malagyan ng ads itong blogs ko ay naghintay ako ng halos isang taon? Nang sinimulan ko ang blog kong Swimming and Floating, nasa panahon iyon ng matinding pagka boryong. Kasi noon, wala akong ginawa kundi  sumagap ng chismis sa internet. Chismis tungkol sa mga artista at mga pulitikong wala namang pakialam sa akin. Noong hindi ko mabasa ang paborito kong blog ng chismis, akala ko hindi lang ako 'nakakapasok' sa blog nya dahil hindi naman ako myembro ng Blogger. Yun pala na suspend ang kanyang blog dahil sa marami nang taong nagreklamo sa pagiging malupit nya sa pagchismis ng malalaking tao. Ang huli nyang post ay para bagang nagsasabi na hindi pala maganda ang gawain nya na pagtawanan ang mga taong hindi naman nagpapatawa kundi dahil sa unfortunate event tulad ng pagkakaroon ng tinga sa ngipin ay naging subject na ng chismis sa blog nya. Ganun ka babaw ang mga binabasa ko noon, grabe.  Nakakatawa din naman kasing mag bunyag ng kung ano-anong chismak ang blogger na yun.  Sa maiksing salita, kaya ako nag blog ay para lang makasagap ng chismis. Pero nang kalaunan, nainis ako sa aking kapitbahay na pintasera  kaya nag post ako ng sama ng loob ko sa aking blog.  Uy teka wag nyo nang hanapin ang entry na yun kasi na delete ko na.  Wholesome na ako ngayon.

Kaya nga ako nag paka wholesome ay dahil type ko nang ipa monetize ang blogs ko.  Hindi na approved ang una kong application sa Adsense kasi hindi pa supported ng Blogger noon ang Filipino language.  Eh tamad naman akong mag salin sa sa English at lalo ding tamad mag blog regularly kaya , sabi ko sa sarili ko, hayaan mo nga siya, kung ayaw nila di wag.

Pero minsan inaabot ako ng hiya sa kahihingi nga datung sa aking waswit kaya nag isip ako ng mapagkukunan ng salapi maliban sa pag apply na maging mama san. Hindi pa ako mama san, wag kayong mag alala.  Kaya ayun,  sumulat na naman ako sa Adsense para i reconsider ang aking blog.  At yun nga, nagsipag akong mag blog.  Pansinin nyo noong isang buwan, biglang dumami ang entries ko.  Nung buwang ding yun, na approve ang monetization ng blogs ko.  Kaya sinipag din akong mag open ng dalawa pa, Silver Lite at ito ngang binabasa mo ngayon.  Ang gusto ko lang iparating ay nakuha din sa dasal ang lahat.  Nagdasal nga kasi kong sana ay mapatunayan ko naman na hindi lang ako isang trophy wife (biro lang kahit totoo), may utak din naman ako at nakakasulat din kahit paano. And  speaking of that, salamat din sa Diyos at nagkakaroon din naman ako ng Followers kahit papano.  Salamat talaga ha.  Hayaan nyo, ipagdadasal ko rin kayo kay Lord. 

Siempre nag ambisyon din akong magmana sana sa aking anak na binabayaran para mag blog at sumulat.  Sa kadadasal ko naman at sa kasipagan ko ring maghanap ng trabaho online, sa wakas nitong Nov. 9, natanggap akong maging isang blog writer ...at take note may bayad naman.  Hindi naman kalakihan ang sahod ko, pero oks na rin,  considering na hindi na ako kelangan lumabas ng bahay para kumita...at oks lang sa client ko sa kung anong type kong isulat.  Go lang siya palagi.  O di ba, writer/blogger na ang inyong lingkod, at sa wikang English pa.  Nung una akong mag submit ng article sa client, parang test kung baga.  Akalain nya ba namang ang una kong article ay How to Seduce Your Partner.  O ano, akala nyo di ko carry ang subject mattter na yan.  Maski noong virgin pa ako, alam ko nang isulat yan. Pagka submit ko, natuwa naman ang client ko at ayun,  may assignment pa ako ulit  sa kanya.  Ang lahat ng yan, idinaan sa dasal. Nakatulong din na sumulat din naman ako ng article at nag submit, hehehe.

Kaya kung ano man ang inyong pangangailangan, subukan nyong magdasal, alalahanin nyo ang sabi sa Bible, Ask and it shall be given unto you, knock and the door shall be opened unto you.  Tama ba ang pagka banggit ko? 

O sige, magdadasal na ako ulit. Susulat na naman kasi ako eh.

No comments:

Post a Comment

I thrive on comments, thanks for leaving a comment. I will visit your blog as well :)

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Related Posts with Thumbnails